PASOK din si Alden Richards sa “Encantadia.” Gaganap siya bilang Lakan, isang karakter sa “Mulawin”. Magiging kakampi siya ng mga sang’gre sa pagtatanggol sa mundo ng Encantadia.
Nag-taping na si Alden at aniya, excited siya dahil may fight scenes siya. Aksiyun-aksiyunan siya rito na first time niyang naranasan.
Inihahanda na rin ang bagong primetime series na gagawin ni Alden sa GMA7 before the year ends. Hopefully, si Maine Mendoza ang kapareha ng Pambansang Bae.
Samantala, nagre-reprint na ang Summit Books ng second batch ng libro ni Alden na pinamagatang “Alden Richards: In My Own Words.” Ubos na ’yung mga naunang kopya at marami pa ang gustong bumili. Thankful si Alden sa all-out support ng AlDub fans at sa iba pang bumili at bibili ng kanyang libro.
Aniya, isa itong pangarap niyang maibahagi ang kuwento ng kanyang buhay, ang mga pinagdaanan niya bago siya pumasok sa showbiz na aniya’y parang roller coaster ride. “Gusto kong makapag-iwan ng isang legacy,” saad ni Alden.
Kapuso pa rin
Kapuso pa rin si Gabby Concepcion na muling pumirma ng kontrata sa GMA7. Anang aktor, isang magandang birthday gift ito sa kanya. Turning a year older si Gabby on Nov. 5.
Tumatak sa Kapuso viewers ang role ni Gabby bilang Boss Yummy sa “Because of You,” unang GMA primetime series niya with Carla Abellana.
Comedy series naman ang gagawin ni Gabby at aniya, excited na siyang masimulan ang upcoming project niya sa GMA.
Samantala, proud papa si Gabby sa anak niyang si Chloie, anak niya kay Jenny Syquia. Candidate for Miss Universe-Sweden si Chloie.
A few years ago, nagpunta sa Pilipinas ang mag-inang Jenny at Chloie. Pero hindi nila nakita o nakausap si Gabby.
Either out-of-town or out of the country ang aktor. Ang half-sisters lang ni Chloie na sina KC at Garrie Concepcion ang naka-bonding niya noong narito sila sa Pilipinas ng kanyang mommy Jenny.
‘Encantadia’ sessions
Every Monday and Thursday nights ginaganap ang “Encantadia Sessions” during “Encantadia” airtime at 7:45 p.m. First time ito sa Pilipinas na may live commentary video para sa isang local TV series.
Pwedeng manood ang Kapuso viewers ng GMA Telebabad shows kasama ang fans at official correspondents na sina Francis Libiran, PR manager Victor Harry at GMA Artist Center talents na sina Nar Cabico at Marlann Flores at “Starstruck” alumnus na si Avery Paraiso.
Sa online event na ito’y may cast members ng “Encantadia” na nagpapasalamat sa viewers. May weekly round table discussion for “Encantadia Sessions” and users can log on sa official microsite of Encantadia or sa Encantadia 2016 official Facebook page.
By the way, nasa Davao City ngayong Sabado ang “Encantadia” stars na sina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Ruru Madrid at Migo Adecer. Kaugnay ng celebration ng Kadayawan Festival, may mall show sila sa Gaisano mall at 4 p.m.
Join din sila sa Pamulak sa Kadayawan Float Parade na gaganapin bukas. Sakay ng Kapuso float, maglilibot sila sa Magsaysay street hanggang Rizal park sa Davao City.