CAGAYAN DE ORO CITY – Nagsagawa ng pag-atake ang New People’s Army (NPA) sa isang marijuana plantation na nagresulta ng pagkasawi ng dalawang lumad at pagkumpiska ng ilang mga high-powered firearms sa border ng Bukidnon at Agusan del Sur provinces noong Miyerkules.
Ayon kay NPA north Central Command Regional Operations spokesperson Allan Juanito, kanilang sinunog ang tatlong vegetable at banana warehouse sa Barangay Putian, Libona town sa Bukidnon.
Target ng mga rebelde ang mga tinaguriang tribal warriors na naghahasik ng takot sa mga lumad communities sa nasabing boundaries.
Nangyari naman ang pag-atake sa panahon na pinalaya na ng gobyerno ang walong National Democratic Front consultants na kasama sa gaganaping peace talks sa Oslo, Norway.
“While the NPA anticipates the upcoming ceasefire order from the CPP due to the formal resumption of the peace talks on August 22-27, it will carry on its activities of defending the interests of the peasants, workers and lumads, preserving the natural resources and inhibiting criminality and drugs in its scope of operations,” ani Juanito sa isang statement. (Froilan Gallardo)