ISANG reason kung bakit naglabas si Pambansang Bae Alden Richards ng sarili niyang libro titled “Alden Richards: In My Own Words” ay para makapulutan ito ng maraming aral sa buhay lalo na sa young fans niya.
Gusto nga rin makapag-iwan ng kanyang legacy si Alden, kaya magandang paraan daw ang pagsulat niya ng libro para malaman ng marami ang mga pinagdaanan niya bago siya maging isang big-name celebrity ngayon.
“Well, kasi it’s always been a dream of mine to write a book to leave a legacy.
“The struggles that I’ve had before starting show business, talagang it’s a roller coaster.
“I really had struggles and difficulties reaching where I am now.
“Life is a struggle, kumbaga there’s a lot that you have to endure.
“You really don’t stop fighting for your dreams, especially if you’re doing it for somebody such as the ones that we love.
“That’s your motivation, sila lang ‘eh, no one else. You do everything that you do for the people you love.
“I would just like to give back to the people who have been supporting me with this book,” pahayag pa ni Alden.
Naging madali naman daw para kay Alden ang pagsulat ng sarili niyang libro.
Base kasi sa sarili niyang experiences, maayos niyang naikuwento lahat.
“There was no pressure when I was writing the book, how it will perform sa market doesn’t really matter.
“As long as mayroon akong maipagmamalaki in my lifetime, I have authored a book under my name,” ngiti pa niya.
Kabilang sa mga kuwento ni Alden sa kanyang book ay ang pangarap niyang maging piloto, ang pagsali niya sa male beauty pageants, ang pag-audition niya sa commercials at TV reality shows, ang dream ng yumao niyang ina na maging bida siya sana sa “Marimar” at siyempre, ang matagumpay na relasyon niya sa kanyang loveteam na si Maine Mendoza a.k.a Yaya Dub sa harap at likod ng kamera. (RUEL J. MENDOZA)