VIGAN CITY, Ilocos Sur – Isusulong ngayon ni senator Loren Legarda ang paghihikayat sa mga Pilipino na magtanim sa kani-kanilang bakuran upang maibsan ang kagutuman at malnutrisyon ng bansa.
Planong abisuhan ni Legarda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na isama sa kanilang family development seminars para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na isama ang mga eco-friendly practices.
“I encourage the DSWD to include environmental consciousness and care for nature in their monthly family development seminars.
We can teach families how to create vegetable gardens in every home. For those without available land, we can promote vertical gardens using recycled bottles, plastic containers and cans to plant herbs and vegetables,” ani Legarda.
Idadaan ni Legarda ang proyektong ito sa pamamagitan ng Senate Bill No. 406 kung saan hihikayatin ang bawat eskwelahan na maglaan ng lupa para taniman ng mga nutrient rich plants base sa rekomendasyon ng Department of Health.
“Vegetables harvested from these gardens may be utilized to supplement feeding programs in institutions in their respective communities.
Feeding programs are also power tools in alleviating short-term hunger and enhancing the learning capacity of children,” dagdag ni Legarda. (Freddie G. Lazaro)