CITY OF SAN FERNANDO, Pampanga – Umabot sa P256.91 million ang halaga ng agriculture at infrastructure ang napinsala ng southwest monsoon rains o habagat sa Central Luzon.
Ayon sa disaster authorities ng lugar, pinakamatinding tinamaan ng pinsala ang probinsiya ng Pampanga. Ibinunyag naman ni Josefina Timoteo, director ng Office of the Civil Defense 3 (OCD3) at chair of the Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) na P256.89 million ang nawala sa agriculture products habang P11,000 naman ang pinsala sa mga facilities na ginagamit sa pangigisda.
Kabilang sa mga napinsala sa sektor ng agrikultura ay ang rice, corn, high-value crops, fish at livestock sa mga probinsiya ng Aurora, Bataan, Bulacan, Pampanga, Tarlac at Zambales.
Hardest hit ang rice sector kung saan umabot sa P135.85 million kasunod ng fishery (P100.28 million), corn (P12.15 million), high value crops (P8.05 million) at livestock (P500,875). (Franco G. Regala)