Nagpahayag ng pagka-alarma ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa dumaraming insidente ng illegal drug transaction kung saan ginagamit ang mga menor de edad or nagiging katuwang ng mga tulak ng droga.
Sinabi ni PDEA Director General Isidro S. Lapeña na labis niyang ikinalungkot ang kanyang natuklasan matapos na makita ang consolidated report ng mga operasyon ng lahat ng anti-drug units na isinumite sa kanya ng kanyang mga tauhan.
Noon 2015, may kabuuang 221 kabataan ang nailigtas sa buong bansa mula illegal drug trade at nadala sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) offices para mapangalagaan.
Fifty percent sa kanila ay nasa 17 taong gulang. Ayon sa PDEA, sinasamantala ng mga sindikato ng droga ang Section 6 of the Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 na nagli-libre sa minor de edad na masampahan ng kasong criminal. (Chito Chavez)