Nanawagan ni Sen. Cynthia A.Villar sa kanyang mga kapwa mambabatas sa Kongreso na ipasa ang kanyang panukalang batas na magbibigay daan para sa pagtatalaga ng isang nurse bawat barangay sa bansa.
Sinabi ni Villar na ang pagsasabatas ng kanyang panukalang batas, Senate Bill No. 726, ay hindi lamang makakatulong para mabigyan ng sapat na medical na atensiyon ang mga Filipino kundi mabigyan din ng hanapbuhay ang mga walang trabahong Filipino nurse dito sa bansa.
Napansin ng sendora na humina na ang pangangailangan para sa mga nurse sa ibang bansa kung kayat marami sa kanila ang naiwang walang trabaho o walang sapat na hanapbuhay ngayon.
Sa tantiya ng Professional Regulation Commission (PRC), may 300,000 nurses ang walang trabaho ngayon sa buong bansa.
“The non-deployment of nurses abroad should be viewed as a welcome opportunity to improve the delivery of health services, particularly in far-flung areas.
The government may engage the services of the nurses to be at the forefront of government health care programs,” sabi ni Villar.
Sa ilalim ng kanyang bill, ang bawat local government unit (LGU) ay nararapat na mag-empleyo ng isang registered nurse sa bawat barangay na nasasakupan nito. (Mario B. Casayuran)