DAVAO CITY – Naglabas noong Lunes ang Malacañang ng memorandum na nag-uutos sa mga presidential appointees na bumaba sa kanilang puwesto bago matapos ang linggo.
Hindi kasama sa utusan ang mga bagong hirang na Cabinet secretaries, undersecretaries at iba pang opisyal na in-appoint ni Pangulong Duterte.
Hindi rin kasama ang mga career officials, mga miyembro ng hudikatura, mga opisyal ng mga opisina na itinaguyod ng Constitution at mga opisyal na ma-aappoint ng pangulo.
Ang mga appointees sa militar at pulisya “shall be dealt with separately,” ayon sa memo.
Ang mga appointees na hindi sumunod sa utos na walang valid reason ay paparusahan.
Ayon sa memo, puwedeng manatili ang mga apektadong opisyal sa kanilang tungkulin habang inaantay ang aksyon ng pangulo. Kapag tinanggap na ng pangulo ang resignation, ang mga deputies ang gagampanan ng naiwang tungkulin habang inaantay ang kapalit. (Antonio Colina)