PAREHO palang may Alzheimer’s disease ang respective mothers ng ex-couple na sina Edu Manzano at Congresswoman Vilma Santos-Recto. Ang mama Milagros ng actress-politician ay matagal nang may Alzheimer’s at hindi na ito nakakakilala.
Sa presscon ng “Someone to Watch over Me,” naikuwento ni Edu na early ’80s ang edad ng yumao niyang mommy (Rosario Manzano) nang nagkaroon ito ng Alzheimer’s.
Ayon kay Edu, silang magkakapatid ay hindi kilala ng kanilang mommy at ’yung pamangkin nito na nag-alaga ang kilala nitong anak. Kahit daw ’yung best friends ng mommy niya ay hindi nito kilala nang dalawin siya ng mga ito. Nakatingin lang daw ang mommy niya at nagtanong, “Sino kayo?”
Napaiyak sila, ayon kay Edu. Akala raw nila na kapag nakita ng mommy niya ’yung best friends nito na nakatrabaho noon sa Metropolitan Theater ay magbabalik ang alaala nito.
Very personal kay Edu ang “Someone to Watch over Me” dahil sa gano’ng sitwasyon ng yumao niyang ina. Sa comeback project ni Edu sa GMA7, gumaganap siya bilang Buddy Chavez, ama ni Tom Rodriguez (as TJ) na may early onset ng Alzheimer’s disease. Relate na relate si Manzano at nagbabalik sa alaala niya ang sitwasyon noon ng yumao niyang mommy.
Super lucky guy
Feeling super lucky si Tom Rodriguez bilang leading man nina Lovi Poe at Max Collins sa “Someone to Watch over Me.”
Pareho siyang may love scenes sa dalawang aktres. Joke ni Tom sa presscon, pang-breakfast si Lovi, pang-lunch si Max.
Magkasunod kasi kinunan ang love scenes ni Tom with Lovi and Max.
Ayon kay Tom, kagigising lang niya nang kunan ang love scene nila ni Lovi. Noong nag-lunch break sila, saka naman kinunan ang love scene nila ni Max.
“Napakasuwerte ko (laughs),” saad ni Tom. “Pareho silang professional. Parehong walang arte. Parehong bigay na bigay sa lahat ng kailangan naming sa eksena,” pahayag ni Tom.
Ipinakita nga sa presscon ng STWOM ang love scenes ng Kapuso actor kina Lovi at Max. Lucky guy talaga si Tom.
Sabi ni Lovi, alam na alam ni Tom ang ginagawa niya. Sey naman ni Max, very honest umarte si Tom. Mabait pa at professional. “As an actor, he’s very giving. He’s a great actor,” said Max.
Ibig kaya niyang sabihin ay great sa love scenes si Tom? ’Yun na!
Big step
Seksi-seksihan si Lovi Poe noong presscon ng STWOM sa suot niyang long gown na hanggang singit ang slit. Exposed ang maganda at flawless legs niya.
Sabi ni Max Collins, na-insecure siya kay Lovi sa kaseksihan nito, kaya nag-effort din siyang magpapayat. Beauty queen material nga si Max sa tindig at itsura niya.
Sa “Someone to Watch over Me,” she plays Irene, ex-girlfriend ni Tom Rodriguez. Noong nagka-Alzheimer’s disease ito’y siya ang naaalala nito at hindi ang asawang si Lovi (as Joanna). For the love of her husband, pumayag si Lovi na pumasok muli sa buhay ni Tom ang ex-GF.
“Big step ito talaga sa acting career ko since iba ito sa lahat ng nagampanan ko nang roles before. With Tom, Lovi and direk Maryo’s (de los Reyes) help, I hope to get through this gracefully. I’m confident with direk Maryo. He makes me feel I’m a good actress,” saad ni Max.
Aware si direk Maryo sa matinding competition ng mga teleserye ngayon at big challenge sa kanyang mailahad ang kuwento ng STWOM sa abot ng kanyang makakaya. Requirement niya sa cast, lalo na kina Tom, Lovi at Max na maging makatotohanan sa ginagawa nila pagdating sa love scenes.
Tampok din sa STWOM sina Jackielou Blanco, Ronnie Lazaro, Boy2 Quizon, Ralph Noriega, Isay Sena at Frances Makil. Premiere telecast on Sept. 5 sa GMA Telebabad.