Nananatili ang lakas ng bagyong “Dindo” na may international name na “Lionrock” habang ito ay mabagal na kumikilos sa hilagang silangan ng Batanes kahapon.
Huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration ang mata ng bagyo sa layong 1,000 kilometro silangan hilagang silangan ng Itbayat, Batanes 1 p.m. kahapon.
Nagtataglay ang bagyo ng hangin na may lakas na 160 kilometers per hour at bugso na aabot sa 195 kph at kumikilos timog-kanluran sa bilis na seven kph.
Hindi tatama sa bansa ang bagyong Dindo sa bansa pero apektado ng southwest monsoon o “hanging habagat” ang kanlurang bahagi ng Southern Luzon at Western Visayas.
Inaasahang aalis sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong Dindo bukas. (Ellalyn B. de Vera)