ANTIPOLO CITY – Tuluyan nang inalis ni city mayor Casimiro ‘Junjun’ Ynares, III ang ayuda na kanilang ibinibigay sa local police force.
Sa kaniyang memorandum na inilabas noong August 25, nagbigay ang city government kay Antipolo Police Station officer-in-charge Supt. Simnar Semacio Gran na isauli ang lahat ng sasakyan na ibinigay sa police station sa loob ng 48 hours.
Bukod dito ay itinigil na din ang pagbibigay sa mga pulis ng P1,000 honoraria sa bawat 265 policemen na naka-assign sa Antipolo Police Station.
Lumabas ang kautusan ilang araw matapos lumantad ang isang witness sa Senate probe na nag-ugnay sa Antipolo police sa mga extrajudicial killings at pag-recycle ng mga nakumpiskang iligal na droga.
Sa kabila nito ay nakasaad naman sa parehong memorandum na ang kanilang tulong sa local police ay manunumbalik oras na maabswelto ang mga pulis sa akusasyon.
Tiniyak naman ni Gan na patuloy nilang gagampanan ang kanilang tungkulin bilang protektor ng mga mamayan.
(Nel B. Andrade)