BUTUAN CITY – Isang magnitude 4.8 na lindol ang yumanig sa Siargao Island sa Surigao del Norte bago mag-hatinggabi ng Biyernes.
Ayon sa Philippine Institute of Seismology and Volcanology (Phivolcs), natunton nila ang epicenter ng lindol 13 kilometro northeast ng Pacific Ocean sa Burgos Town, Siargao Island na may lalim na 38 kilometers.
Naitala din ang Intensity 4 sa town proper ng Burgos, Intensity 3 sa Surigao City habang Intensity 2 sa San Francisco sa Southern Leyte.
Ayon naman kay Surigao del Norte Governor Sol F. Matugas, walang naitalang pinsala ang lindol base sa paunang ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).
Nagkaroon naman ng panic sa coastal town dahil sa pangamba ng tsunami sa kanilang lugar, dahilan para tumakbo ang mga ito sa mas mataas na lugar.
“But based on the latest report from our PDRRC all our fishing town residents there are safe and no damage had been reported,” ani Matugas. (Mike U. Crismundo)