TRECE MARTIRES, Cavite – Nanawagan ang residente ng bayan na ito kay Governor Jesus Crispin “Boying” Remulla maging sa ibang opisyal na maghanap ng solusyon upang mabawasan ang insidente ng road accidents.
Nababahala na ang mga taga Cavite dahil sa nakaka-alarmang pagtaas umano ng mga road accidents sa kanilang lugar.
Base sa police reports, umabot na sa 50 fatal accidents ngayong taon kung saan karamihan sa mga biktima ay mga matatanda at bata.
Isa ang Cavite sa may mataas na bilang ng mga road accidents sa Region IV-A or the Calabarzon (Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon) sa mga nagdaang taon.
Kabilang naman sa mga lugar na madalas pangyarihan ng aksidente ay ang Aguinaldo Highway, isang 40-kilometer road mula sa lowland Bacoor District paakyat ng Tagaytay City, Molino Boulevard at Tirona Highway sa Bacoor; Daanghari Road sa Imus; North Diversion o ang Bacao Road sa General Trias City; Governors Drive sa Carmona; Dasmariñas City, General Trias at Trece Martires at C.M. de los Reyes Avenue sa Amadeo. (Anthony Giron)