BUTUAN CITY – Tatlong sawmills na ilegal na nag-ooperate sa isang remote village sa Old Poblacion sa Bunawan town, Agusan del Sur ang giniba ng joint anti-illegal logging task force ng gobyerno.
Ayon kay Regional Director Nonito M. Tamayo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), kasalukuyan nang iniimbestigahan ng composite team ng DENR, PNP at LGU anti-illegal logging task force ang mga sawmills upang masamapahan ng kaukulang kaso.
“I have already directed Bunawan-Community Environment and Natural Resources Officer Ranulfo Climaco to look into the owner or operators of the said establishments for filing charges in violation of the forestry laws, rules and regulations,” ani Tamayo.
Tiniyak din ni Tamayo na walang sasantuhin ang kanilang kampanya pagdating sa pagbibigay ng proteksyon sa kalikasan. (Mike U. Crismundo)