LAOAG CITY, Ilocos Norte – Hinihikayat ng provincial government ang kanilang mga magsasaka na magtanim ng kape na sinasabing mataas ang demand sa labas ng bansa.
Ayon kay Edwin Cariño, head ng Special Projects and Development Office (SPDO), bibigyan ng kaukulang suporta ng provincial government sakali man na ituon ng kanilang mga magsasaka ang pansin sa pagtatanim ng kape.
“The provincial government will not only provide coffee seedlings to interested farmers but also technical assistance from our provincial agriculture office,” ani Cariño.
Madali umano ang pagtatanim ng kape dahil sa nangangailangan lamang ito ng konting tubig at mababa din ang gastusin ng pag-aalaga nito.
“Some farmers have already expressed their interest in this endeavor and we are encouraging more residents to maximize their marginal lands for agricultural purposes,” dagdag ni Cariño.
Tiniyak pa ni Cariño na mataas din ang market demand ng kape sa bansa base sa datos mula sa Department of Agriculture kung saan nagkokonsumo ang bawat Pilipino ng 1.2 kilos ng kape taon-taon.
Samantala ipinahayag naman ni Governor Imee Marcos na makatutulong sa agricultural productivity ng kanilang probinsya bukod pa sa karagdagang trabaho sakali man na tumutok ang kanilang magsasaka sa naturang proyekto.
(Freddie G. Lazaro)