NAG-apologize ang Kapuso actress na si Max Collins sa entertainment press for denying her relationship with Kapuso hunk Pancho Magno.
Sa darating na buwan ng October ay magpu-four years na ang relationship nila as boyfriend and girlfriend. Since 2012 pa raw sila nagkaroon ng relasyon.
“I kept denying to the press ’yung totoo about me and Pacho.
“Kapag tinatanong noon, I keep answering na nanliligaw pa rin siya. Na hindi ko pa siya boyfriend. Pero the truth is noon ko pa siya sinagot.
“The reason why I was denying it kasi feeling ko hindi pa kami ready to be out in public. We were waiting for the right time and I guess, ito na ang tamang panahon.
“Kaya pasensya na po sa mga pagde-deny namin ni Pancho. Ngayon heto na ang totoo. Three years na kami and we’re going on our fourth year in October,” ngiti pa ni Max.
Gusto ipagmalaki ni Max ang kanyang relasyon kay Pancho dahil lingid sa kaalaman ng lahat ang pagiging religious na tao ng kanyang boyfriend.
“Tingin kasi ng iba kay Pancho parang babaero, over-confident at siga. Pero malayo siya sa mga inaakala ng marami.
He’s really very nice. Behind that big body of his is a gentle soul. Siya ang nagdala sa akin sa church sa Victory Greenhills.
“Hindi ako masyadong church person pero nang dahil kay Pancho, natuto akong magsimba parati. We always attend Bible studies.
“Marami ang nagugulat na gano’n pala si Pancho in real life. Maraming nabago sa buhay ko because of him.”
Isa sa lead stars si Max ng bagong GMA primetime teleseryeng “Someone to Watch over Me.” Gaganap siya bilang ex-girlfriend ni Tom Rodriguez na si Irene.
“Nagkaroon ng early onset Alzheimer’s disease si Tom as TJ at nabura ’yung memories niya about his own wife, played by Lovi Poe as Joanna. Ang naaalala lang niya ay ’yung relationship niya with his first girlfriend, si Irene.
“So Lovi asked me na samahan sila sa bahay to give Tom company dahil ako lang ang naaalala niya.”
May mga kissing at love scenes si Max with Tom sa naturang teleserye. Hindi kaya magselos si Pancho sa mga eksena nila ni Tom?
“Pancho understands na trabaho lang ito. Artista rin kasi siya. Pero para raw hindi siya maapektuhan, hindi na lang daw siya manonood ng teleserye ko,” pagtapos pa ni Max Collins. (RUEL J. MENDOZA)