Lumagda ang Quezon City Veterinary Office at ang Bureau of Animal Industry (BAI) sa isang kasunduan para sa paglulunsad ng libreng bakuna para sa 300,000 populasyon ng aso sa lungsod.
Unang makikinabang sa citywide vaccination program ang Barangay Payatas, Holy Spirit, Bagong Silangan, Batasan Hills at Commonwealth na sakop ng pangalawang distrito ng lungsod.
Sakop din ng programa ang mga inaalagaang pusa. Bukod sa vaccination drive, magsasagawa rin ng mass registration para sa mga aso at pusa sa 142 barangay ng lungsod.
“Quezon City is one of few local government units purchasing its own supply of rabies vaccines,” pahayag ni city veterinarian Dr. Ana Maria Cabel.
Ayon kay Cabel, ang mga asong kalye pa rin ang pangunahing nagdadala ng rabies at ang Quezon City ay isa sa limang lungsod na kinakitaan ng patuloy na pagtaas ng kaso ng kagat ng aso nitong mga nakaraang taon. (Chito Chavez)