Marami na rin sa hanay ng kapulisan at militar ang nagbuwis ng buhay sa pagpapatupad nila ng pinaigting na kampanya laban sa droga sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Duterte.
Ito ang ipinahayag ni Philippine Drug Enforcement Agency Director General Isidro S. Lapeña matapos matanggap ang report mula sa Philippine National Police (PNP) na nagsasabing 12 pulis at sundalo na ang napatay habang nagsasagawa ng mga operasyon laban sa bawal na gamot simula ng umupo si Duterte bilang pangulo ng bansa.
“Seven weeks into the government’s all-out war against the drug menace, nine policemen and three soldiers were killed, while 26, composed of 18 PNP officers and eight personnel of the Armed Forces of the Philippines (AFP), were either wounded or injured.
Fortunately for us, so far there was no casualty on the part of PDEA,” sabi ni Lapeña. (Chito Chavez)