LAOAG CITY, Ilocos Norte – Pinagulong na ng Provincial Health Office (PHO) ang isang intensified caravan na nagnanais na puksain ang kaso ng tuberculosis (TB) sa kanilang probinsiya.
Ang anti–TB caravan ang isa sa mga highlights ng paggunita ng probinsiya sa National Lung Month sa buwan ng Agosto.
Ayon kay Dr. Josephine Ruedas, OIC ng Provincial Health Officer ng Ilocos Norte, dumaan ang naturang caravan sa Barangay Talogtog, Solsona town kung saan sinasabing marami sa mga residente ay nakakaranas ng walang tigil na ubo sa nakaraang dalawang linggo.
Ang mga pasyente at ay galing sa anim na barangay na sakop ng Solsona town.
“The residents had undergone phlegm testing before they were given free medicine,” ani Ruedas.
Libre ang gamot para sa mga residente na apektado ng TB na kanila namang iinumin mula Lunes hanggang Sabado sa loob ng 18 buwan.
Libre ang pamasahe ng mga pasyente papunta at pabalik sa kanilang bahay at sa treatment center. Bukod pa dito ay may nakahanda din na premyo ang mga pasyente na tuluyang gagaling sa kanilang karamdaman. (Freddie G. Lazaro)