NAG-celebrate ng kanyang ika-25th year bilang isang theater thespian ang character actress na si Frances Makil-Ignacio.
Kahit na lumalabas na siya sa mga teleserye, hindi pa rin niya nakakalimutan ang kanyang pinagmulan, ang teatro.
Graduate ng Theater Arts sa University of the Philippines in Diliman, Quezon City si Frances. Sa naturang kurso ay naging classmate at best friend niya ang award-winning comedienne na si Eugene Domingo.
“Uge has been one of my closest friends since college pa.
“Noong time na naghanap ang mga TV show ng mga taga-teatro para maging talent, sabay-sabay kami nila Uge na rumaket sa ‘Ang TV,’ ‘Palibhasa Lalake’ at sa iba pang mga TV show.
“Pero si Uge, kinarir niya ’yan, eh. Ako mas naging comfort zone ko ang teatro. Mas marami akong ginawang theater productions kesa sa lumabas ako sa TV at movies.
“Nag-stop lang ako when I got married and had my child. Noong bumalik ako sa pag-arte, doon na ako nag-try magteleserye and my first series was ‘Sa Dulo ng Walang Hanggan’ in 2001 sa Dos. Since then, nagtuluy-tuloy na ako,” kuwento pa ni Frances.
Ang mga nagawang teleserye ni Frances sa ABS-CBN 2 ay “Kampanerang Kuba,” “Tayong Dalawa,” “Maria Flordeluna,” “Muntik Na Kitang Minahal.”
Ngayon ay nasa bakuran na ng GMA-7 si Frances at kasama siya sa teleseryeng “Someone to Watch over Me.”
“My first teleserye with GMA-7 was ‘Pilyang Kerubin.’ Then nasundan ng ‘Mundo Mo’y Akin,’ ‘Adarna,’ ‘The Borrowed Wife,’ ‘Second Chances,’ and ‘My Mother’s Secret’,” pag-alala pa ni Frances.
At kahit na naging busy na sa TV si Frances, hindi pa rin niya nakakalimutan ang lumabas sa teatro.
“I see to it that I do one theater play a year. Diyan kasi tayo nagsimula at kapag ni-request tayo ni Sir Tony Mabesa na lumabas sa play na ididirek niya, I am always available for him.”
Lumalabas din sa mga indie films si Frances. Huli siyang napanood sa Cinemalaya entry “1-2-3.” (RUEL J. MENDOZA)