TAMPOK na karera natin this weekend ay ang P500,000 PHILRACOM Japan Racing Association Cup sa paglipat ng mga karera sa Metro Turf.
Sa 15 nominated entries walo lamang ang naging official entries dito namely, Guanta Na Mera, couple entries Brennero at Absoluteresistance, Aerial, Kundiman, Fighting Back, fun Day Fest at Bite The Dust.
Itatakbo bukas sa layung 1,600 meters, ang nakataya dito ay P300,000, P112,500, P62,500 at P25,000 for the first through the fourth placers, respectively.
May 15 Races tayo ngayong Sabado na kinapapalooban ng two sets each ng WTA, Pick-6 at Pick-5 at siyempre ang tanging Pick-4 covering the usual last 4 Races.
Samantala, bumulaga ang far 3rd choice Goddess Of Love sa tampok na P1.Million “1st Leg Juvenille Fillies/ Colts Stakes Race’’ last Sunday at Santa Ana upang masungkit ang top prize of P600,000 for proud owner Mr. P.P. Uy.
Sumegundo hanggang quatro puwesto dito ay ang Modulator, White Chocolate at top favorite Stravinsky na nagkamit ng P225,000, P125,000 at P50,000, respectively. Breeders purse naman ay P30,000, to the breeder of the winning horse.
Noong Huwebes sa Santa Ana, ang WTA (R1-7) ay nagbigay ng malaking premyong P943,378.80 para sa three winners at ang Pick-6 (R2-7) na may three winning tickets din ay may premyo namang P231,684.
Nagsipanalo rito from Races 1 to 7, ayon din sa pagkakasunus- sunod, ay ang Indomitable, Oxygen, Longshot Dave Joshua, Bull Star Rising, Minalim, Boardwalk at Mahogany Red or combinations 1-2-1-3-4-3-1.
Ang Pick-5 (R3-7) at Pick-4 (R4-7) na nagbigay naman ng gantimpalang P11,206,80 at P814.00 respectively.
So there…. Good Luck and see you guys at our usual Samson’s Billiard OTB at Saint Joseph and/or at Obet dela Paz Momay’s Carinderia OTB at Marick, Cainta. Happy birthday to my dear daughter Dulce Tolentino who is celebrating her nth birthday as I write this column. Cheers!!! (JOHNNY DECENA)