Isang malaking inspirasyon ang buhay ni Romano Vasquez, hindi lamang sa mga taga-showbiz kundi maging sa ordinaryong tao.
Mula sa pagiging aktibo sa showbiz, nalulong ito sa drugs, naging palaboy.
Binago ng aktor ang takbo ng buhay hanggang sa bumangon at maging isang matagumpay na negosyante.
Sa ngayon ay bumabalik si Romano sa limelight sa pamamagitan ng kanyang “Chicken Adobo” album na nagkaroon ng launching noong Huwebes, September 1.
Hindi nawawala sa kanya ang pusong-showbiz, kaya nang magkaroon nang sapat na panahon at kapital, binalikan niya ito. Pero, sa pagkakataong ito, gusto niya munang mag-concentrate sa kanyang singing career.
Hindi niya isinasantabi ang posibilidad na siya ay muling umarte sa pelikula at teleserye.
Paano nga ba niya naisip ang bumalik sa dati niyang mundo?
Ani Romano, “I felt I never left.
“It’s in my blood all the time.
“I just felt I had to detour for a while to stabilize my life.
“I don’t want to end up like somebody na nagkapangalan sa show business, ‘tapos ended up na parang walang-wala.”
Dugtong pa niya, “Let’s face it, ang dami sa show business, na nagkapangalan, sumikat, napatunayan naman na magaling, pero you know, this business, I’m sorry to say, don’t get me wrong, taksil ang mundong ito.
“Kaya, ang sinasabi ko nga, hindi ka lamang mag-ipon kundi you should know where to put the money.”
Ang buhay nga raw niya ay parang chicken abodo na bago mahuli ang tamang timpla ay kailangang dumaan muna sa iba’t ibang propeso at panlasa.
Kaya nga, sa kanyang album, ang kantang “Chicken Adobo” ang siyang carrier single niya na may kasama pang apat na kanta.
Sa ilalim ito ng BellHaus Entertainment at Production 56 ni Direk Maryo J. delos Reyes.