Naglaan ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng P200 milyong pondo para ma-protektahan ang mga barangay laban sa terorismo.
Ipinahayag ito ni Mayor Joseph Estrada kahapon kasunod ng pambobomba sa isang market place sa Davao City na nagresulta sa pagkamatay ng 15 tao.
Ayon kay Estrada, ipamamahagi ang pondo sa 896 barangay ng siyudad para masigurong ligtas sila sa terror attacks.
“Terrorism is again rearing its ugly head so we should be prepared at all times. In any emergency, it is the barangay that will be the first one to rescue the residents.
That is why they need to be fully equipped and funded,” Estrada said. (Betheena Kae Unite)