Nagpahayag ng pagkabahala si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa tumataas na bilang ng mga batang ginagamit ng mga sindikato ng droga sa kanilang masamang gawain.
“There is a need to warn parents, particularly those living in the depressed areas of the country, to be on the look out for their minor children because of the strong tendency of users and pushers to use them in their illegal drug activities,” wika ni Barbers, pinuno ng House Committee on Dangerous Drugs.
Natanggap ng House panel ang impormasyon tungkol sa nakakabahalang report na ito sa isinagawang briefing ng Philippine Drug Enforcement Agency’s (PDEA) noong nakaraang linggo.
Ayon kay PDEA chief Ret. Police Director Isidro Lapena, may kabuuang 982 menor de edad ang inaresto dahil sa pagkakasangkot sa illegal drugs mula Enero 2006 hanggang Agosto 2016. (Ellson A. Quismorio)