Inayunan ni Senate Minority Leader Ralph G. Recto ang panukala ng Department of Transportation (DoTr) na buhayin ang 15-kilometer Pasig River Ferry Program na mas mababa ang halagang magagastos kaysa sa pagtatayo ng trains at elevated expressways para masolusyunan ang magulong problema sa trapiko ng Metro Manila.
Ayon kay Recto, itong “unused nautical highway” o ang Pasig River ay matatanaw mula sa bintana ng opisina ni Pangulong Duterte sa Malacañang.
Ang plano ng DoTC na ibinigay sa Senado ni DoTr Secretary Arturo Tugade ay naglalayong buhayin ang nabinbing ferry service sa pamamagitan ng isang rehabilitation and refleeting program na magkakahalaga ng P2.65 billion.
(Mario B. Casayuran)