AGOO, La Union – Tiklo ang isang 49-anyos na empleyado ng Department of Public Works and Highways sa San Fernando City dahil sa kaso ng droga.
Laglag sa awtoridad si Johnny Opilado, residente ng Brgy. San Vicente Norte ng bayan na ito nang makuhaan ito ng five-sachets ng pinaghihinalaang shabu; ilang mga drug paraphernalia; isang homemade .38 caliber; pitong piraso ng cal. 45 ammos; sampung piraso ng .cal. 22 ammos; isang live ammunition ng special cal. 38; apat na piraso ng cal. 38 ammos; at piraso ng cal. 40 ammo; at anim na cal. 9mm ammos sa isang search operation ng pinagsanib na pwersa ng PNP at PDEA.
Si Opilado ay kinukunsidera bilang isa sa mga high value targets ng probinsiya. Inaasahan naman ang pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drug Act of 2002, at RA 10591 o illegal possession of fire arms and ammunition. (Erwin Beleo)