Bibigyang parangal ng pamahalaang lungsod ng Parañaque ang police official na napatay habang nakikipaglaban sa mga holdaper na nagtanggang magnakaw sa isang convenience store kamakailan.
Nangako si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na tutulungan niya ang pamilya ni Chief Inspector Nelson Pagaduan, patrol supervisor ng Parañaque Police Community Precinct (PCP) 2, na napatay nang maka-engkwentro ang dalawang holdaper sa convenience store sa Barangay Sto. Niño.
Inatasan ni Olivarez si City Council Majority Floorleader Giovanni Espalana na pabilisin ang pagpasa ng isang resolution na nagbibigay ng P50,000 tulong sa naulilang pamilya ni Pagaduan.
Samantala, iginawad ni Philippine National Police (PNP) chief Ronald dela Rosa kay Pagaduan ang isang posthumous medal of merit nang bisitahin niya ang labi nito sa the Holy Trinity Chapel sa Parañaque City Lunes ng gabi.
Binawian ng buhay si Pagaduan habang ginagamot sa ospital dahil sa tama ng bala sa leeg na natamo niya habang nakikipaglaban sa mga mga suspek na sina Freddie Palacay at Danny Gomez noong Linggo.
Napatay si Palacay ng security guard na si Lino Valenzuela habang nasawi naman si Gomez nang barilin ng dalawang lalaking naka-motorsiklo matapos siyang madakip sa isang follow-up operation. (Martin A. Sadongdong)