CAMP GENERAL SIMEON OLA, Legazpi City – Tiniyak ng Police Regional Office (PRO) ang kaligtasan ng mga deboto ng taunang selebrasyon ng Peñafrancia Festival na magsisimula ngayong Biyernes.
Ayon kay Bicol PNP regional director Chief Superintendent Melvin Ramon Buenafe, nakalatag na ang lahat ng mahigpit na security measures upang maiwasan na maulit sa kanilang lugar ang deadly bombing blast sa Davao City na ikinasawi ng 14 katao.
Dagdag pa ni Buenafe, pinagsanib puwersa ng pulisya at Army ang nangunguna sa security preparations sa pamamagitan ng masusing pagbeberipika ng mga nakakalap nilang impormasyon.
Sa kabila nito ay nanawagan si Buenafe ng kooperasyon sa publiko.
“To address the circulating news in the social media on possible terrorist attack in Naga City by the Abu Sayyaf Group, the PRO5 appeals to the public not to proliferate unverified information on security threats causing panic and chaos,” ani Buenafe. (Niño N. Luces)