Sinibak sa puwesto ng Philippine Ports Authority (PPA) ang isang babaeng empleyado nito kahapon matapos makunan ng security cameras ng Bureau of Customs (BoC) na umanoy tumatanggap ng suhol.
Sinabi ni PPA general manager Jay Daniel Santiago na base sa imbestigasyon, ang empleyada na hindi muna pinangalanan ay lumabag sa itinakdang pamamaraan ng pakikipagtransaksyon sa mga kliente.
Dahil dito, ni-relieve ang empleyada sa kanyang posisyon sa Port of Manila (POM) habang hinihintay pa ang resulta ng imbestigasyon laban sa kanya.
“PPA will not tolerate any kind of corruption under its auspices and similarly punish to the full extent of the law its personnel that will be found guilty of any corruption,” he said. (Argyll Cyrus B. Geducos)