Buhay at masiglang-masigla si Ryan Cayabyab nang makausap na-ming sa launching ng bagong album ng grupong mine-mentor niya, ang Ryan Cayabyab Singers o RCS last September 8.
Taliwas ito sa kumalat na post kamakailan sa social media particular sa Facebook na diumano’y patay na ang sikat na composer.
Ano ang nagging reaksyon ni Mr. C sa ginawang pagpatay sa kanya sa social media? “Actually, wala akong reaksyon.
Siguro nagulat lang kami, pati ’yung misis ko,nagtatawanan kami. It didn’t bother me at all kasi buhay ako e,” sabi ni Mr. C.
Kaagad din naman daw nilang naitama ang maling balita. “Ang dami ngang nagko-condolence sa family ko. Buti na lang ’yung anak ko nakita agad iyon. Siya iyong nagsabi (sa FB) na hindi siya totoo.”
Nagalit ba siya sa taong nagpakalat nito? “Hindi. Wala akong kagalit-galit. Ang feeling ko lang, ‘Kawawa naman itong batang ito, walang magawa.’”
For the record, may kailangan bang ipag-alala ang supporters at mga kaibigan niya kaugnay ng kanyang health condition? “Wala, nagkasakit lang ako noong Sunday kasi sobrang init. Pero okay na ako. May high blood ako, mayroon akong maintenance e, pati sa sugar may maintenance ako. Pero hindi pa ako (mamamatay)… not yet,” sabay tawa niya.
Malakas pa nga si Mr. C at aktibong-aktibo sa pagtulong sa pagpapalaganap ng Original Pilipino Music. Tuloy-tuloy din siya sa pagtulong sa bagong artists katulad ng inaalagaan niyang RCS na binubuo nina Poppert Bernadas, Kaye Tiuseco, Erwin Lacsa, Celine Fabie, VJ Caber, Sheerlen dela Cruz, at Anthony Castillo.
Proud mentor nga si Mr. C sa RCS.
‘Excited sila lagi to learn new materials. At saka ang gagaling nila.”
“Sa Panaginip Lang” ang title ng pangatlong album ng RCS. Nakapaloob ditto ang
Mga kanta ng “Same Sad Song,” “Di Kayang Aminin,” “Friends For So Long,” “Hihintayin Kita,” “If I Could,” “Ikaw Lang,” “Nasaan Na,” “Summer,” “I Don’t Know Why,” “Leave Me Forever,” at “Masasaktan Lang Ako.” Ang physical CD at digital version ng album ay distributed ng Curve Entertainment Inc. (Glen P. Sibonga)