May rason kung bakit sensitive ang sexy Kapuso actress and TV host na si Solenn Heussaff kapag merong mga bashers at mga bully sa paligid niya.
Inamin ni Solenn na noong bata siya ay naging biktima siya ng pambu-bully dahil sa kanyang mabigat na timbang.
“You know how everyone gets a nickname as a kid? Here’s a secret – mine wasn’t always Sos. – I was super confident, so I didn’t really care.
“In my delusional head, I was the hottest thing alive… until I turned fifteen and the kids at school gave me my nickname: Free Willy.”
“Free Willy” ay isang pelikula na tungkol sa isang malaking Orca or Killer Whale.
“They would tease me, ‘Free Willy! You’re sooo gross,’ my classmates would say.
“The bullying led me to a crash diet and I got really sick, as in rushed-to-the-hospital sick,” pag-alala pa ni Solenn sa kanyang not-so-pleasant childhood experience.
Kaya naman nagpursige si Solenn na baguhin ang lifestyle niya.
Kung noon ay ang goal niya ay ang pumayat para hindi na siya matawag bilang Free Willy.
Ngayon ay mas makabuluhan na ang pagkakaroon ng healthy lifestyle ni Solenn.
“Even after sticking to a healthy lifestyle for a while now, exercising is still an everyday struggle for me.
“To be honest, the only thing that keeps me going is my goal.
“I don’t work out to be skinny – I do it to be healthy,” ngiti pa niya.
Dahil sa strong will and determination ay na-reach ni Solenn ang kanyang life goal na magkaroon ng isang healthy body and sound mind.
Naglabas siya ng book titled Hot Sos para maging inspiration ito sa marami na ipagpatuloy ang pagkakaroon ng maayos na pamumuhay by eating healthy food, daily exercise at masayang disposition in life.
“I call it #fitspiration. You can do it without out anyone forcing you.
“You first have to love yourself in order to be successful at it.
“Do not mind the bashers and haters. Make them a challenge in your life,” pagtapos pa ni Solenn na napapanood sa mga GMA shows na “Encantadia,” “A1 Ko Sa ‘Yo” at “Taste Buddies.” (Ruel J. Mendoza)