CAMP DIEGO SILANG, La Union – Nakumpiska ng pulisya ang 11.5 kilos ng marijuana bricks at brick molder sa isang makeshift hut na pinaniniwalaang processing site ng mga ito sa Sitio Bay-o, Barangay Sasaba, Santol, La Union yesterday.
Ayon kay Senior Superintendent Leo Francisco, acting La Union police director, pinagsanib puwersa ng La Union Provincial Public Safety Company (LUPPSC) at iba pang police units ang nakatunton sa nasabing pagawaan ng marijuana bricks.
Sinasabing may street value ang mga marijuana na P632,500.00.
Dagdag pa ni Francisco, malaking tulong sa kanilang operasyon ang mga impormasyon na kanilang nakuha buhat sa kanilang mga assets sa paligid ng lugar.
Ibibigay sa kaukulang ahensiya ang mga nakumpiskang marijuana bricks habang isinasagawa ang isang masusing imbestigasyon upang matugis ang mga taong nasa likod ng paggawa nito habang agad na sinira ang brick molder. (Freddie G. Lazaro)