Tinatayang 400 pamilya ang nawalan ng tahanan sa sunog sa Atlanta St., Port Area, Manila noong Biyernes ng gabi. Ayon sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection, ang sunog ay nagsimula sa bahay ni Marites Abanes bandang 8 p.m. Kaagad na kumalat ang apoy sa iba pang bahay na gawa sa light materials.
Umabot sa fifth alarm ang sunog bago ito idineklarang under control ng 10:14 p.m. Dalawang daang bahay ang natupok at inaalam pa ang dahilan ng sunog. Natupok din sa sunog ang R6 million halaga ng ari-arian. Sinabi ng mga residente na napabayaang kandila at rice cooker ang mga posibleng sanhi ng sunog.
“Sabi nila nagmula raw yun sa napabayaang kandila sa isang bahay sa bandang gitna ng lugar,” sinabi ni Marilyn dela Vega, 42, stay-in helper at residente ng naturang lugar. Humihingi naman ng karagdagang tulong sa mga kinauukulan ang mga nasunugang residente. Pansamantalang tinutulungan ng barangay ang mga nasunugan. (Betheena Kae Unite)