Congratulations kay Dennis Trillo sa parangal na ipinagkaloob sa kanya bilang Asian Star Prize sa katatapos na 11th Seoul International Drama Awards na ginanap sa Seoul, South Korea. Kaugnay ‘yun sa performance niya sa primetime series ng GMA7, ang “My Faithful Husband.”
Sa kanyang Instagram account, pinasalamatan ni Dennis ang Kapuso Network, ang lahat ng sumubaybay sa naturang series, ang director nilang si Bb. Joyce Bernal, his manager Popoy Caritativo and of course, si Jennylyn Mercado, his leading lady sa MFH. “Walang papaw kung wala si mamaw, Jennylyn Mercado. Salamat sa inspirasyon at pagmamahal,” bahagi ng post ni Dennis.
Papaw at Mamaw ang tawagan nila sa MFH na mukhang gano’n na rin ang tawagan nina Dennis at Jennylyn sa totoong buhay. Hindi nakasama si Jen sa Korea dahil busy siya sa taping ng “Superstar Duets.”
Ang manager ni Dennis ang kasama niya sa Korea.
Non-competitive award ang parangal na ipinagkaloob kay Dennis. Kinikilala at pinararangalan ang mga Asian drama actors na napamahal sa Korean audience. Inirerekomenda ang mga ito ng board of jury at pinipili ng organizing committee.
Kilig-kiligan
Kilig-kiligan si Winwyn Marquez kay Mark Herras noong sabay silang nag-guest sa “Tonight with Arnold Clavio.” Ani Winwyn, mahal na mahal niya si Mark at kahit ano’ng mangyari, never siyang mag-gi-give up on him. “Andito lang ako parati kahit ano’ng problema mo,” words to that effect na sabi pa ni Winwyn.
Ayon naman kay Mark, inayos niya ang buhay niya nang dahil kay Winwyn. Pinasalamatan niya ang kanyang girlfriend for loving and trusting him. Bakas sa dalawa ang labis nilang pagmamahal sa isa’t isa na mukhang forever na. Halos “langgamin” sila sa kanilang ka-sweetan on camera. What more pa kaya kung off-camera at silang dalawa lang?
Sa isang past interview with Mark, sinabi niyang two years from now ay pakakasalan na niya si Winwyn. Aniya, nag-iipon na siya for their future. Aniya pa, si Winwyn na ang “the one” for him.
Di pa kumpirmado
Hindi pa kumpirmadong si Mark Neumann ang magiging leading man ni Jennylyn Mercado sa “My Love from the Star.” Haka-haka pa lamang ‘yun.
Ongoing pa ang audition at tatlo ang pipiliin. Then, magkakaroon ng look test kung may chemistry sila kay Jen. Kung sino ‘yung babagay kay Jen at kung sino ‘yung mahusay umarte, ‘yun ang ipapareha kay Jen.
Sa istorya ng MLFTS, mas bata ang leading man at masuwerte ang mapipiling kapareha ni Jennylyn. Sakaling si Mark ang mapili, hindi kaya magtampo ang homegrown Kapuso male talents na nag-audition? Homegrown talent si Mark ng TV5.
Star material
Kay Mark Neumann pa rin, star material naman talaga siya. Malaki ang potensiyal niyang sumikat sa tamang panahon. Artistahin talaga siya at nakakaarte naman. Produkto siya ng “Artista Academy” ng TV5.
Mai-push lang nang husto ang career ni Mark, chances are, he’ll make it. Kaya lang, dapat matuto si Mark ibalanse ang kanyang career at lovelife.
Noong na-in love siya, nadiskaril ang kanyang career. Naging priority niya ang lovelife na naging dahilan ng falling-out ni Mark and his manager na tiyuhin niya. Humiwalay siya ng tirahan at nag-solong mamuhay.
Di pa makapag-desisyon
Hindi pa rin makapagdesisyon si Ogie Alcasid kung tatanggapin niya ang offer ng GMA7. Na-extend ang kontrata niya sa TV5. Ano naman kaya ang gagawin niyang project sa Kapatid Network? Balitang magre-reformat ito.
Bago na ang namamalakad nito, si Mr. Chot Reyes na gaano kaya katotoo na diumano, balak nitong gawing sports channel ang TV5? Diumano pa rin, balak daw alisin na ang entertainment sa programming ng Kapatid Network. Abang-abang na lang sa mga magiging kaganapan sa TV5.
Nag-alisan na ang ibang talents nito tulad nina Vin Abrenica, Ritz Azul, Meg Imperial, Mark Neumann (nag-guest siya sa isang GMA7 show), and who else? Balik-ABS-CBN naman sina Aga Muhlach, Sharon Cuneta at Amy Perez. Naiwan pa sina Jasmine Curtis-Smith, Derek Ramsay, Janno Gibbs at Ogie Alcasid.