Ipinasara ng city hall inspectors ang tatlong tindahan ng damit sa Pedro Gil Avenue, Manila, dahil sa expired business permits.
Iniutos ni Manila Mayor Joseph Estrada ang crackdown sa “illegal businesses”, kasama na rito ang pagpapasara sa mga negosyong hindi updated ang business permits.
“Mga illegal vendors nga napapaalis natin, sila pa kaya? Iniisa-isa natin ang ‘pag inspect sa mga stalls, sa iba pang mga negosyo, kung walang mapakitang permit, isara agad yan.
Walang silang lusot,” pahayag ni Estrada. Habang nag-iinspeksiyon ng mga tindahan, inaresto ng Task Force Manila Cleanup ang 15 illegal vendors na namataan nila sa lugar.
Inilundsad ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang kampanya laban sa mga establisyemento na walang persmiso mula sa city hall.
Ang hakbang na ito, ayon kay Estrada, ay para protektahan ang mga mamimili. Inatasan ni Estrada ang Bureau of Permits and Licensing Office (BPLO) ng lungsod na samahan ang Task Force Manila Cleanup sa paglilinis ng mga pangunahing daanan.
“I have directed the Task Force, once they have finished clearing the illegal vendors, to randomly inspect all the nearby business establishments and look for their business permits,” sabi ni Estrada. (Betheena Kae Unite)