Mismong ang manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz ang nagsabi sa mga nakausap na entertainment writers na sa tingin niya’y may “something” natalaga ang alaga niya at si Enrique Gil. Ani Ogie, ayaw niyang pangunahan at hayaan na lang daw ang dalawa ang umamin kung gusto ng mga ito.
Ayon pa kay Ogie, hindi siya tutol kung totoong nagkakamabutihan na sina Liza at Enrique. Tinupad naman daw ni Liza ang kasunduan nila na hindi ito magbo-boyfriend hanggang wala pang 18 years old. Eh, 18 na ngayon si Liza, kaya okey na kay Ogie na mag-BF ito. Mabait naman daw si Enrique.
Ayon pa kay Ogie, parati niyang pinapaalalahanan si Liza tungkol sa morality clause ng kontrata nito sa product endorsements. Isa si Liza sa mga in demand endorser dahil sa kanyang wholesome image. Plus factor ang positive outlook niya sa buhay. Siya ang unanimous choice ng Metrobank Card Inc. para maging ambassador ng Yazz Prepaid card.
Perfect ang wholesome personality i Liza sa kanilang campaign. “She’s the perfect role model,”ayon sa mga tao sa likod ng Metrobank Inc.
Advocacy
Bilang pagkilala at pagbibigay-pugay sa mga magsasaka, magkakaroon ng TOFARM Songwriting Competition na pamamahalaan ni Dra. Milagros How, Executive Vice-President of Universal Harvester, Inc. Siya rin ang namahala sa ginanap na TOFARM Film Festival.
May advocacy si Dra. How sa agrikultura, kaya matapos bigyan ng pagpapahalaga ang mga magsasaka sa mga pelikulang isinali sa TOFARM Filmfest, naisipan niyang magkaroon ng TOFARM Songwriting Competition.
Ang theme ay “Planting the seeds of change” at open ito sa mga Filipino amateur at professional songwriters. Ang mga awitin ay dapat may kinalaman sa nature at sa rural life. Ang song genres ay folk/acoustic, rock, jazz, R & B, country, pop, inspirational, Fusion. Pwedeng English o Tagalog ang lyrics.
“We hope to discover musical wonders that would highlight the diligence, hard work, perseverance, resilience, tenacity and optism of our farmers,”saad ni Dra. How.
Katulong niya sa TOFARM Songwriting Competition sina Rommel Cunanan ( Project director), Luchi Roque (Trustee & former director of NAMCYA), Jed Balsamo ( resident music director of Ballet Philippines) at Olivier Ochanine (former music director of the Philippine Philharmonic orchestra).
Ang requirements ay dapat i-submit on November 18. Duly accomplished form, Valid ID, song entry in mp3 format, lyric sheet. Maaaring i-download sawww.tofarm.org o ipadala sa 1st TOFARM Songwriting Competition, TOFARM Secretariat, 10th floor Harvester Corporate Center, 158 P. Tuason blvd. corner 7th avenue, Cubao, QC 1109.
Pinupuri na
Kung dati’y “the who”? sa netizens at viewers ng “Encantadia” si Sanya Lopez, pinupuri na siya ngayon. “Newbie but she can deliver,” comment ng netizens.
Hinangaan si Sanya sa emotional scene niya sa naturang fantaserye ng GMA7 kung saan nagmakaawa siya kay Amihan (Kylie Padilla) na huwag siyang ipatapon sa mundo ng mga tao. Mahusay naitawid ni Sanya (bilang Danaya) ang mabigat na eksena.
Natural siyaumarte at marami ang nagsasabing malaki ang tsansa ni Sanya na kapag na-push ang kanyang career at mabibigyan siya ng right projects, may kalalagyan siya sa showbiz.
Pasok na rin sa “Encantadia” sina Rafa Siguion-Reyna at Betong Sumaya bilang Euno at Rael respectively. Matuklasanna kaya ni Danaya na si Euno ang kanyang tunay na ama? Ano naman kaya ang mangyayari kay Amihan ngayong mag-isa na lang siya sa Lireo? Magpapatuloy kaya sa panlilinlang sa kanya si Pirena (Glaiza de Castro)?