Makakatanggap ng tulong mula sa pamahalaang lungsod ng Maynila ang 300 pamilya sa Port Area para maitayong muli ang kanilang mga bahay na naabo sa sunog na sumiklab sa kanilang lugar noong Biyernes ng gabi.
Inutusan ni Manila Mayor Joseph Estrada ang Manila Social Welfare Department (MSWD) na siguraduhin na mabibigyan ng tamang pangangalaga ang mga biktima ng sunog.
Tiniyak ng pamahalaang lungsod na ibibigay sa mga biktima ang anumang kailangan nila para muling maitayo ang kanilang tahanan at magsimula ng panibagong buhay.
“We know how hard it is to lose a home. We are assuring the victims that they are not alone; the city government is here to assist them by all means,” pahayag ni Estrada.
Umabot sa 1,009 katao o mahigit sa 300 pamilya sa Barangay 654, Pier 5, Port Area, ang nawalan ng tirahan habang anim na residente ang nasaktan sa naturang sunog, ayon kay Tanyag. (Betheena Kae Unite)