Dumarami ang haters ni Glaiza de Castro sa social media. Nagagalit sila sa karakter niya bilang Pirena sa “Encantadia.” Sobrang sama na raw ng ugali niya dahil pati ang kanyang mga kapatid ay kinakalaban niya sa hangarin niyang maging reyna ng Lireo.
Nilinlang niya si Amihan (Kylie Padilla) para maipatapon si Danaya (Sanya Lopez) sa mundo ng mga tao. Natatawa na lang si Glaiza sa mga “nang-aaway” sa kanya sa social media. Ibig daw sabihin na effective ang pagganap niya bilang Pirena.
“Galit lang sila sa karakter ko. Pero alam nilang sa tunay na buhay, kabaligtaran ‘yun ng ugali ko,” ani Glaiza.
Aniya pa, big challenge sa kanya ang role na ginagampanan niya. Nabibigatan pa siya sa kanyang buhok dahil aniya, nagpa-hair extension pa siya.
Mamaya sa “Encantadia,” magtutungo si Pirena sa kuwarto ng mga armas, gamit ang brilyante ng tubig. Darating si Aquil (Rocco Nacino) at tatanungin siya kung ano’ng ginagawa niya. Gusto naming makianib ni Asval (Neil Ryan Sese) kay Pirena. Galit na si Mira (Kate Valdez) kay Pirena at nagbantang isusumbong siya kay Amihan.
Prizes
Kaugnay pa rin ng TOFARM Songwriting Competition na isinulat namin kahapon, nine finalists ang pipiliin ng TOFARM Listening Committee. Ipapahayag ang resulta on December 5, 2016 sa print media at websites. Each ay tatanggap ng certificate at P40,000. Ang grand prize winner, 1st at 2nd runners-up at People’s Choice ay ipapahayag sa isang special live concert on February 6, 2017.
Maliban sa trophies, ang grand winner ay tatanggap ng P300,000 cash, ang 1st runner-up ay P200,000 at ang 2nd runner-up ay R100,000. Ang People’s Choice Award ay pagkakalooban naman ng P75,000.
Lucky mom
Napakasuwerte naman talaga ni Karla Estrada sa anak niyang si Daniel Padilla. Bukod sa mabait at mapagmahal na anak, sobrang generous ni Daniel .
Hindi pa nakuntento si Daniel sa isang bahay na ipinagawa niya para sa kanyang mama Karla. Nagpapatayo pa siya ng pangalawang bahay para sa kanyang mama dearest. Mansion ito at nagkakahalaga ng P100-million. Taray!
Hindi naman daw ‘yun hiniling ni Karla kay Daniel at sapat na ‘yung isang bahay na ipinagawa nito para sa kanya. Pero kusang-loob ni Daniel na bigyan siya ng pangalawang house. In a few more months ay tapos na ito.
No wonder, patuloy ang blessings na dumarating kay Daniel. Siyempre, wish ni Karla na kumita sa takilya ang bagong movie ni Daniel, “Barcelona: A Love Untold” with his special someone na si Kathryn Bernardo. Opening day nito ngayon sa mga sinehan nationwide.
Di nakailangan
Papaw at Mamaw ang term of endearment nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercdo. Sobrang proud si Jen sa kanyang Papaw sa karangalang ipinagkaloob dito bilang Asian Star Prize sa katatapos na Seoul International Awards sa Korea. Kaugnay ‘yun sa performance ni Dennis sa “My Faithful Husband,” primetime series na pinagtambalan nila ni Jen sa GMA7.
Sa kanyang Instagram account, kinongratuleyt ni Jen si Dennis na tinawag niyang “Papaw.” Sinagot naman siya nitong “I (emoticon) U mamaw! @jennymercado.” Hindi na kailangang diretsong umamin nina Dennis at Jenny sa tunay na namamagitang relasyon between them.
Subaybayan na lang ang palitan nila ng messages sa kanilang respective social media accounts. Madalas din ang sightings na magkasama sila na hindi naman nila itinatanggi.
Naudlot
Sayang at naudlot ang pagsasama nina Lorna Tolentino at Alma Moreno sa isang upcoming teleserye ng GMA7. Excited pa naman si Alma magtrabaho muli ngayong wala na siya sa pulitika.
Sa pagkaalam namin, interesado ang GMA kunin si Alma para isama sa upcoming drama series ng Kapuso Network. Ang close-friend reporter niyang si Nene Riego ang nagtsika nito sa amin.
Pero nagkaroon daw ng pagbabago ang Creative Department sa tema, istorya at characters. Hayun, parehong “nganga” sa project sina LT at Alma. Sayang!