Pupulungin ng Philippine Sports Commission (PSC) para masinsinang kakausapin ang mga pangulo at secretary general ng lahat ng regular, associate at recognized na national sports associations (NSA’s) na nasa ilalim ng Philippine Olympic Committee (POC) para sa magi-ging programa nito sa taong 2017-2022.
Ito ang napag-alaman sa PSC Research and Planning Department kung saan makakaharap ng buong PSC Board na binubuo ni Chairman Butch Ramirez at apat na Commissioners ang kada pangulo at secretary general ng 40 regular na NSA’s kasama ang anim na Associate at pitong Recognized member.
Itinakda ang buong araw ng Setyembre 20 para sa pagpupulong ng PSC at mga NSA’s sa Kachina Room ng Century Park Sheraton na siya din pinagganapan ng naging maini-ting dalawang araw na Top-Level consultation at set-up para sa ninanais maitayo na Philippine Sports Institute (PSI).
Inaasahang aalamin ng PSC ang programa ng bawat NSA’s, kabilang na dito ang listahan ng kanilang mga atleta, mga nakalipas na sinalihang torneo at nakamit na karangalan pati na rin ang kani-kanilang short, medium at long term na plano sa kanilang sports.
Samantala’y ipinatawag naman
CHAIRMAN BUTCH Ramirez
kahapon ng Senate Committee on Sports ang mga opisyales ng Philippine Sports Commission (PSC) at pati na Alliance of Boxing Associations in the Philippines (ABAP) upang humarap sa isasagawa nitong inquiry hinggil sa estado ng professional boxing sa bansa.
Matatandaang kinumpirma mismo ni Ramirez ang agarang pagpapasimula sa plano nitong maitayo na PSI ngayong Oktubre kung saan bubuuin agad ang mga satellite offices sa buong bansa upang maisakatuparan ang ninanais nitong pagpapalakas sa grassroots sports development program.
Gagastusan ang Institute ng kabuuang P25-milyon kada buwan para sa pagsasagawa nito ng iba’t-ibang programa ukol sa talent identification, coaches education, athletes training, sports sciences at pagtatakda din ng mga regional directors. (Angie Oredo)