Walang problema sa Kapuso hunk na si Phytos Ramirez kung bigyan siya ng magkakasunod na kontrabida roles sa telebisyon dahil na-master na raw niya ang maging isang villain noong gawin niya ang teleserye na “Once Again” kunsaan bida sina Aljur Abrenica at Janine Gutierrez.
Hindi akalain ni Phytos na magiging malakas ang impact ng kanyang pagiging kontrabida kay Aljur.
“Hindi ko na-realize na makikilala ako because of my villain role in “Once Again.”
“Noong minsan na sa mall ako, nilapitan ako ng isang group ng tao. Mga fans pala sila ni Aljur. Nagagalit sila sa akin dahil sa ginagawa ko raw sa idol nila sa teleserye.
“Kaya doon ko na-realize na effective pala akong kontrabida kasi may mga nagre-react.
“Kaya parang okey na for me to do another villain role kasi ang sarap paglaruan ang gano’ng klaseng role sa TV,” ngiti pa ni Phytos.
Sa kanyang bagong sinasama-hang teleserye na “Oh, My Mama” sa GMA Afternoon Prime, mabait naman ang role na binigay sa kanya.
“Good boy daw muna ang role ko. May ibang magiging kontrabida rito at si Jeric Gonzales iyon.
“Okey lang sa akin kasi I want to be a versatile actor in the future. ’Yung kayang gawin ang iba’t ibang roles,” diin pa niya.
Dating child actor ang 21-year old na si Phytos whose real name is Neophytos Kyriacou. His father is Greek and his mom is Filipino. He was born in Athens, Greece.
Unang movie ni Phytos ay ang “Abakada Ina” noong 2001. Nasundan ito ng pelikulang “Tatarin” at “Masikip sa Dibdib.”
Sa TV ay unang teleserye ni Phytos ay ang “Gulong Ng Palad” sa ABS-CBN 2 in 2006. Nasundan ito ng “Mara Clara,” “Guns and Roses,” “E-Boy” at “Princess & I.”
Noong maging GMA Artist Center talent na siya, una niyang Kapuso teleserye ay ang “Paraiso Ko’y Ikaw.” Sumunod na ang “Rhodora X,” “Let The Love Begin” at ilang episodes for “Magpakailanman” at “Maynila.”
Kung may gustong maging leading lady si Phytos, gusto niya ang “Encantadia” star na si Sanya Lopez. (Ruel J. Mendoza)