Pagtanaw ng utang na loob ang dahilan ni Jonalyn Viray aka Jona, kaya pumayag siyang maging celebrity volunteer ng Gabay Guro, isa sa special projects ng PLDT-Smart Foundation.
“Nakaka-ilang years na rin po ako na kumakanta sa events nila, mapa-MOA Arena man o kapag may maliliit na gatherings. Kapag may charity events din at ako yung napili nilang mag-perform and kapag okay naman sa schedule ko talagang umo-oo po ako. Siyempre mahal po natin ang teachers, and this is my way of giving back sa kanila bilang pagtanaw na rin ng utang na loob sa mga naging teacher ko dati na nagturo at gumabay sa akin noong nag-aaral pa ako,” paliwanag ni Jona.
May memorable experience ba siya sa teacher niya before? “Yung sa teacher ko po dati noong third year high school po ako. Kasi noong sumasali pa lamang po ako noon sa Pinoy Pop Superstar, third year high school pa lang po ako noon. Tapos malayo po kasi yung uwian ko, sa San Mateo, Rizal pa po. Yung teacher ko taga-Quezon City lang siya, so sa kanila po ako umuuwi at natutulog. Talagang binuksan po nila yung bahay nila para sa akin. Kasi that time pinagsasabay ko yung studies ko at saka yung pagko-contest nga po.”
May communication pa ba sila ng teacher niya na ito? “Medyo may hindi po magandang nangyari, binawian na po siya ng buhay. Pero noong time na iyon nakadalaw naman po ako sa kanila and nakapagpasalamat po ulit.”
Excited na nga si Jona sa Gabay Guro’s 9th Teacher’s Tribute na magaganap sa MOA Arena sa September 25. May titulo itong #teacherfest2016, na official hashtag din ng event. Siguradong mag-e-enjoy na naman ang teachers dahil bukod kay Jona ay magpe-perform at makikisaya rin sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Gary Valenciano, Pops Fernandez, Martin Nievera, Lea Salonga, Sharon Cuneta, Jaya, Vina Morales, James Reid, Nadine Lustre, Derek Ramsay, Michael Pangilinan, at marami pang surprise guests.
Malaki ang pasasalamat ng PLDT executives na sina Chaye Cabal-Revilla at Gary Dujali sa celebrities na pumayag na mag-perform sa Gabay Guro kahit walang talent fee. Nagpapasalamat din sila sa sponsors lalo na sa nag-provide ng raffle prizes kabilang na ang house and lot mula sa Perry’s Group of Companies, Gratour Van mula sa Foton, at Honda and Suzuki motorcyles mula sa Motorlandia. (Glen P. Sibonga)