Naglatag ang Archdiocese of Manila ng community-based rehabilitation programs sa iba’t ibang parokya para matulungang gumaling ang mga lulong sa droga.
Sinabi ni Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle na parte ng rehabilitation program ang spiritual formation, skills training, at livelihood programs na naglalayung matulungan at makumbinsi ang mga drug dependents na magbago, maka-recover, at mamuhay muli ng normal.
“We are here for you. Let us not waste life. It is important and it has to be protected and nurtured,” pahayag ng pinuno ng simbahan sa CBCP News post. Nakipagtulungan ang Manila archdiocese, sa pamamagitan ng Restorative Justice Ministry nito, sa iba’t ibang organisasyon at ahensiya ng gobyerno gaya ng Center for Family Ministries, UST Graduate School Psycho-Trauma, Department of Health, Department of Interior and Local Government, at Philippine National Police, para mabigyan ang drug dependents ng tamang pagpapagamot at mga serbisyo para sila makatayong muli sa sarili.
“We, in the Church failed to address the issue, We failed to be a companion to these people. So now, we are trying what we can do given the urgency of the need,” pahayag ni Fr. Tony Navarette, parish priest ng San Roque de Manila Church sa Sta. Cruz, Manila, nang ilunsad ang programa noong isang linggo. (Christina I. Hermoso)