Hindi sa role niya bilang Hermano Puli na-challenge si Aljur Abrenica kundi aniya, sa paghahanap ng producer ng pelikula. Kung sino-sino ang nilapitan nila ni direk Gil Portes para maging financier ng “Ang Hapis at Hinagpis ni Hermano Puli.”
Kuwento ni direk Gil, nasabihan pa niya si Aljur na baka may boyfriend itong bading na pwedeng mag-produce ng pelikula. “Direk, hindi ako ganu’n,” sabi naman sa kanya ni Aljur.
Kung saan-saang lugar sila nakarating para lamang maghanap ng producer. Muntik na silang mawalan ng pag-asa, until nakilala nila ang owner ng 77 Limbaga restaurant sa Sct. Limbaga street, Tomas Morato, QC.
After four meetings, hayun, nag-shoot na sila ng “Hermano Puli.” Kasama ni Aljur sa movie ang mga kapatid niyang sina Vin at Allan. Ani Aljur, proud siya sa kanyang mga kapatid. Very professional ang mga ito sa set. Nagsusuportahan sila at hindi nila naramdamang magkakatrabaho sila.
“Para lang nasa bahay kami. Sabay-sabay kaming kumakain sa set. Nagkukuwentuhan,” wika ni Aljur. Opening day ng “Hermano Puli” ngayong Miyerkules sa commercial theaters nationwide.
Taken na
Sorry na lang sa mga nag-iilusyon kay JC Santos. “Taken” na siya at isang theater actress ang girlfriend niya, si Teetin Villanueva. Three years na sila together.
Taga-teatro rin si JC at nagkakilala sila sa isang stage play. At least, open at honest si JC sa kanyang lovelife, di tulad ng karamihang artista na aamin lang kapag break na.
Instant sikat si JC at siya ang bukambibig ng viewers ng isang teleseryeng pinagsasamahan nila nina James Reid at Nadine Lustre.
Nanghinayang
Magkasama na naman sina Bea Binene at Derrick Monasterio sa upcoming comedy project ng GMA 7 ang “Tsuper Hero” kung saan jeepney driver ang role ni Derrick at jeepney barker naman si Bea. Kasama nila rito sina Gabby Concepcion, Alma Moreno, Betong Sumaya, Miggs Cuaderno, Analyn Barro, Jemwell Ventinilla, Valentin at Philip Lazaro. Mula sa direksiyon ni LA Madridejos.
Samantala, busy-bisihan muna si Bea sa bago niyang hobby, ang pistol shooting. Nag-share pa siya sa social media ng dalawang clips ng drills niya.
Bago niya kinahiligan ang pistol shooting, nag-aral muna si Bea ng wushu. Nag-dyo-join siya sa mga competition.
Nanghinayang nga siya na hindi siya nakasali sa “Encantadia.” Sana raw ay nagamit niya sa fight scenes ang kaalaman niya sa wushu.
Biggest break
It took nine years bago nabigyan ng biggest break sa pelikula si Alex Gonzaga. Dati’y pa-support-support lang siya, pero hindi siya nawalan ng pag-asa na darating din ang tamang panahon para magbida siya.
Sobrang thankful si Alex sa Regal Entertainment na siya ang kinuhang mag-lead role sa “My Rebound Girl.” Aniya, sa dinami-rami ng mga artista, siya ang binigyan ng malaking pagkakataon na si Joseph Marco pa ang kanyang leading man.
May kaunting pressure, ayon kay Alex. First starring role niya na aniya, parang hindi pa nagsi-sink in. Pero confident naman siya at proud sa movie nila ni Joseph Marco. Showing on September 28 ang “My Rebound Girl.”