Humingi ng paumanhin kahapon si Sen. Antonio F. Trillanes IV kay Sen. Alan Peter S. Ca-yetano dahil sa kanyang inasal sa pagdinig ng Senado tungkol sa extrajudicial killings nitong nakaraang linggo.
Nagpadala ng liham si Trillanes kay Cayetano na humihingi ng paumanhin dahil sa kanyang ginawa at nangakong hindi na ito mauulit.
“This is to express my apologies for my demeanor during last Thursday’s hearing of the committee on justice and human rights. It was brought about because of the intense passion and emotion of the moment. Nonetheless, it was uncalled for. Be assured that such incident will not happen again,” sinabi ni Trillanes sa kanyang sulat na ipinadala kina Senate President Koko Pimentel at Sen. Leila M. de Lima na pinuno ng komite.
Matatandaang nagkaroon ng alitan ang dating magkakampi pagkatapos magdebate tungkol sa tagal ng pagtatanong ni Ca-yetano kay Edgar Matobato na isa umanong dating miyembro ng Davao Death Squad at naglahad ng umano ay pagkakasangkot ni Pangulong Duterte sa grupo.
Naging mainit ang kanilang pagtatalo at pinatayan pa ni Trillanes ng mikropono si Cayetano habang ito ay nagsasalita. (Hannah L. Torregoza)