Nakritisa ni dating Philippine Sports Commission chairman Aparicio Mequi ang kawalang saysay at hindi na napapanahon na pagsasagawa ng taunang Palarong Pambansa,gayundin ang mga national sports associations at mismong Philippine Olympic Committee.
Binitiwan ni Mequi, na ikalawang naupo na PSC chairman, ang malalalim na kritisismo sa ginanap na National Consultative Meeting On Development Plan for Philippine Sports and Set-up of Philippine Sports Institute sa Multi-Purpose Arena sa PhilSports, Pasig City.
“What has been produced in the 58th years of staging Palarong Pambansa?,” sabi ni Mequi. “Does the organizer realize they need to reassess and reinvent the tournament to be of help to the national sports development. We need to reform Palarong Pambansa.”
Ikinatuwa naman ni Mequi ang pagkokonsentra ng PSC sa mga programa nito sa iba’t-ibang sector bagaman mas nakatuon ito sa pagpapalakas at pagpapalawak sa grassroots sports development at mga kabataan. (Angie Oredo)