Binuksan na kahapon ang unang linya ng expressway patungong Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na ikinagalak ng mga motorista at commuters na lagi na lang naiipit sa trapiko kapag bumibiyahe patungong paliparan.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Ang bagong elevated expressway ang kumukonekta sa Macapagal Avenue at Pagco Entertainment City sa Pasay at NAIA Terminal 1 and 2 sa Paranaque City.
Wala pang sisingiling bayad para sa paggamit ng naturang expressway sa loob ng isang unang buwan — mula Setyembre 22 hanggang Oktubre 22.
Inaasahan na bubuti ang daloy ng trapiko at mababawasan ang oras ng biyahe ng mga motorista sa naturang lugar.
Karaniwan nang nararanasan ang mabigat na daloy ng tapiko sa mga daang malapit sa airpot tuwing darating na kapaskuhan dahil sa madalas na pagdating ng mga biyahero mula sa ibang bansa. (Anna Liza Villas-Alavaren)