Noong ma-eliminate sa StarStruck 6 ang baguhang Kapuso actor na si Dave Bornea, akala niya na katapusan na iyon ng kanyang pa-ngarap na maging artista.
Gamit ang pangalan na Chat Bornea, umabot ang 20-year old from Talisay City, Cebu sa Top 18 ng reality base-artista search contest ng GMA-7.
“Na-cut po ako noong piliin nila ang Top 14. Kasama ako sa apat na hindi nakapasok.
“Siyempre po, sobra akong nalungkot. Kaya after StarStruck, I really thought na wala na talaga – hindi na matutupad ang dream ko.
“Pero after six months of waiting, biglang dumating na po ang mga blessings.
“Kaya I am very thankful kasi hindi lang ako nakasama sa primetime teleserye na ‘Alyas Robin Hood,’ isa rin ako sa member ng bagong boy band ng GMA-7 na One Up.”
Bago pala sumali ng StarStruck si Dave, naging finalists ito sa Mr. Pogi ng “Eat Bulaga” noong 2012 gamit ang pangalan na Justin Merck de Jesus.
Ayon kay Dave, ang Visayan accent niya ang sinasabing nagiging problema niya.
“Pero pinagpursigehan ko naman na makapag-Tagalog ako ng diretso. Ngayon ay halos hindi na halata ang Visayan accent ko.
Dahil naka-base na sa Manila si Dave, nag-stop muna ito sa kanyang pag-aaral sa University of Cebu kunsaan nasa third year na siya ng Hotel and Restaurant Management course.
“One year to go na lang at mata-tapos na po ako.
“Pero sayang naman po ang opportunity na dumating sa akin.’’ (Ruel J. Mendoza)