Young adult na kung maituturing ang Kapuso teen actor na si Miguel Tanfelix dahil nag-turn 18-years old siya noong nakaraang September 21.
Nagpapasalamat si Miguel sa mga magkakasunod na blessings na kanyang natatanggap. Una ay ang pagpili sa kanya bilang youth ambassador ng UN Population Fund para sa kanilang U-4-U campaign.
Ang layunin ng campaign na ito ay ang matugunan ang problema ng mga kabataan ngayon tulad ng teenage pregnancy at sexually transmitted disease infection.
Pangalawa naman ay ang pagbida nila ng ka-loveteam niyang si Bianca Umali sa unang episode ng bagong weekly show ng GMA-7 na URL: Usapang Real Love. Kasama rin nila rito ang Kapuso hunk na si Jak Roberto.
Isang interactive romantic-comedy series ang URL at magkakaroon ng pagkakataon ang mga fans nila na makasama sa naturang show sa pamamagitan ng pagiging active sa kanilang social media accounts tulad ng Facebook, Twitter at Instagram.
Kaya bilang pasasalamat ni Miguel sa mga natatanggap niyang blessings, nag-celebrate siya ng kanyang 18th birthday sa New Hope Special Education Center in East Kamias, Quezon City.
Nakapiling ni Miguel ang mga special children na siyang naging inspirasyon niya noong magbida siya noon sa teleserye na Niño noong 2014.
“Naranasan ko po kung paano po sila mamuhay, so alam ko po ‘yung nararamdaman nila and alam ko po na kailangan nila ng attention, ng care, kaya dito ko po napili talaga.
“And malapit po talaga ako sa mga batang katulad po nila dahil before, bago po mag-Niño, pumupunta na po ako ng SPED centers para mag-observe.
“Masaya po dahil kasama po natin ang mga special children [sa special day ko] Masaya po dahil game po sila, may nakasama po akong sumayaw. Saka nakita ko naman po na nag-enjoy sila sa mga activity and that makes me happy.”
At ang birthday wish ni Miguel ay hindi lang para sa kanya…
“Sana po maraming friends at blessings, guidance and sana safe po palagi ‘yung mga malalapit po sa buhay ko – friends, family, mga ka-work ko po, lahat. Also world peace and magmahalan po tayong lahat.” (Ruel J. Mendoza)