“Park at your own risk”. Ito ang babala ni Manila Mayor Joseph Estrada sa mga motorista matapos niyang ideklarang “no parking zone” ang kahabaan ng Quezon Boulevard sa Quiapo.
Simula kahapon, ang mga sasakyang nakaparada sa naturang lugar ay kaagad na hihilahin nang walang tanong-tanong, babala ni Estrada.
“Quezon Boulevard is a vital thoroughfare leading to Quiapo Church. For the convenience of the Nazarene devotees, as well as the thousands of people doing business in Quiapo, I have decided to also ban parking along this critical highway,” sabi ni Estrada.
Kasabay ng kanyang kautusan, umapela ang alkalde sa mga may-ari ng sasakyan na madalas pumuta sa Quiapo na mag-adjust at unawain ang parking ban sa naturang daanan.
“All it will take from them is a little discipline. We need to get the cooperation of everybody if we want to bring back order in our streets,” pahayag ni Estrada.
“Or they may still park, but at their own risks. They should be ready for the consequences,” dagdag pa niya. Bumuo na si Dennis Alcoreza, chief ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), ng Task Force Quezon Boulevard para hulihin ang mga motoristang magpaparada sa daanan at ang mga kumukolekta ng parking fees. (Betheena Kae Unite)