Nagdesisyon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na isara muna ang Workers’ Inn o Gwapotel sa Port Area, Manila, para mabigyang daan ang pagkukumpuni dito.
Bahagyang isinara ang Gwapotel simula kahapon para sa baguhin ang mga tumutulong bubong, sirang kisame at vinyl tiles, bintana, at baradong drainage system.
Niliwanang ni MMDA General Manager Tim Orbos na ang budget hotel para sa mga manggagawa, biyahero at mag-aaral ay hindi buong isasara dahil marami ang tumatangkilik dito.
“We don’t want to drive away and displace our regular clientele which averages at 500 people daily. And more importantly, closing down the facility would contribute to the traffic situation because these people would be stranded on the streets, waiting for a ride home during rush hours,” wika ni Orbos.
Ayon kay Orbos, bukas pa rin ang Gwapotel mula 6 p.m. hanggang 6 a.m.. (Anna Liza Villas-Alavaren)